Ma-inspire sa mga kuwento ng Street View

Larawan ng Zanzibar

Zanzibar

Panoorin ang grupo ng mga pinagkakatiwalaang photographer ng Street View, ang “World Travel in 360 (WT360)” sa pagkukuwento nila tungkol sa Project Zanzibar, isang programa katuwang ang pamahalaan ng Tanzania para mailagay ang Zanzibar sa mapa. Naglakbay sina Federico Debetto, Nickolay Omelchenko, at Chris du Plessis sa Tanzania para ihanda ang pagmamapa sa arkipelago, turuan ang mga tao sa komunidad tungkol sa photography sa Street View, at bumuo ng isang sustainable na modelo para maipagpatuloy ng komunidad ang proyekto sa sarili nila.

Larawan ng Myanmar

Myanmar

I-explore ang Myanmar sa video na ito na nagpapakita ng kamangha-manghang gawa ng photographer na si Nyi Lynn Seck at kanyang mga kasamahan mula sa 3XVIVR Productions. Naglaan ang 3XVIVR ng napakaraming oras at lakas sa espesyal nilang proyekto, na may layuning gawing digital ang Myanmar gamit ang Street View at mapanatili ang kultural na pamana ng bansa sa 360.

Larawan ng Zimbabwe

Zimbabwe

Panoorin si Tawanda Kanhema na ibahagi ang kanyang kuwento tungkol sa pagmamapa ng Zimbabwe gamit ang Street View. Naglakbay si Tawanda pabalik sa kanyang bansang pinagmulan, ang Zimbabwe, nang may layuning maglagay sa Google Maps ng koleksyon ng imahe sa Street View ng Harare, ang kabiserang lungsod, at Victoria Falls, isang international na pasyalan ng mga turista. Pinalawak niya ang kanyang proyekto niya kamakailan para maisama rin ang iba pang pangunahing lokasyon sa Zimbabwe.

Larawan ng Kenya

Kenya

Kilalanin ang ilang Local Guide at pinagkakatiwalaang photographer ng Street View na nagmamapa ng Kenya. Dahil sa kagustuhan nila na maipakita sa mundo ang kamangha-manghang ganda ng Kenya, ginamit nila ang Street View bilang pangunahing tool sa pag-abot sa layuning ito.

Larawan ng Armenia

Armenia

Pakinggan si Joe Hacobian, isa sa mga tagapagtatag ng non-profit na organisasyong Armenia360. Nagsalita si Joe sa 2019 Street View Summit sa London tungkol sa naging karanasan ng kanyang team sa pagmamapa sa sinaunang lupain ng kanyang mga ninuno. Isa itong kuwento ng kung paano posibleng mabigyan ng kakayahan ang sinuman na mailagay sa mapa ang mga lugar na mahalaga sa kanila gamit ang Street View.

Larawan ng Bermuda

Bermuda

Alamin kung paano kinuha ng Bermuda Tourism Authority, isang organisasyon para sa marketing ng destinasyon, ang Miles Partnership, isang pinagkakatiwalaang ahensya ng Street View para mangalap ng koleksyon ng imahe ng Street View. Tinulungan ng Miles Partnership ang Bermuda Tourism Authority para i-optimize ang kanilang online presence sa Google Maps at i-boost ang pagkakatuklas ng lokal na negosyo, habang tinutulungan din ang mga turista na i-explore ang Bermuda sa virtual na paraan habang nagpaplano sila para sa biyahe (o nangangarap nang gising tungkol dito!).

Larawan ng Tonga

Tonga

Isinadokumento ng mga tagapagtatag ng Grid Pacific na sina Tania Wolfgramm at Wikuki Kingi ang mga karanasan nila sa pagmamapa sa Tongaa. Para ma-promote ang kultura ng Tonga at iba pang isla sa Pacific, sinimulan nila ang isang mapanghamong plano na imapa ang buong arkipelago at ilagay ito sa Street View. Panoorin ang kahanga-hanga nilang kuwento rito.